Home NATIONWIDE Higit 17K parak, ikinalat sa Metro Manila sa Martial Law anniv

Higit 17K parak, ikinalat sa Metro Manila sa Martial Law anniv

1
0

MANILA, Philippines — Aabot sa 17,085 police personnel ang ikakalat sa iba’t ibang bahagi ng Metro Manila para sa mga aktibidad kaugnay ng ika-54 anibersaryo ng deklarasyon ng Martial Law sa Lunes, Setyembre 21, ayon sa National Capital Region Police Office (NCRPO).

Mas mataas ito sa naunang planong deployment na mahigit 15,000 tauhan.

Sa panayam sa radio, sinabi ni NCRPO spokesperson Police Lt. Col. Hazel Asilo na kabilang sa deployment ang Civil Disturbance Management (CDM) contingents at mga tauhan mula sa mga karatig na rehiyon.

Kabilang sa mga lugar na inaasahang pagdarausan ng mga pagkilos ang EDSA Shrine, People Power Monument, Mendiola at Liwasang Bonifacio, gayundin ang mga lugar malapit sa Senado at Kamara de Representantes.

Tinataya ng NCRPO na nasa 3,000 katao ang maaaring lumahok sa mga pagtitipon.

Nasa full alert status na rin ang NCRPO bilang bahagi ng paghahanda sa mga kilos-protesta. Nauna nang nagsagawa ang pulisya ng walkthrough at ocular inspection sa mga pangunahing lugar na posibleng pagdausan ng mga aktibidad.

Ayon kay Asilo, wala pang namomonitor na validated threat kaugnay ng mga aktibidad hanggang Linggo ngunit magpapatuloy ang pagbabantay ng mga awtoridad.

Pinaalalahanan din ng NCRPO ang mga grupong magsasagawa ng pagkilos na makipag-ugnayan sa mga awtoridad para sa seguridad at maayos na pamamahala ng trapiko. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here