MANILA, Philippines- Hindi bababa sa 192,00 indibidwal o 38,689 pamilya ang apektado ng pagbaha sa Maguindanao del Sur sa gitna ng malakas na pag-ulan dulot ng Inter Tropical Convergence Zone (ITCZ), base sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) nitong Lunes.
Sa ulat, sinabi ng NDRRMC na sa kabuuang bilang ng mga apektado, 890 indibidwal o 178 pamilya ang nananatili sa evacuation center habang 191,115 indibidwal o 38,511 pamilya ang nakikisilong sa ibang lokasyon.
Naiulat ang pagbaha sa ilang barangay sa mga sumusunod na bayan:
Datu Abdullah Sangki
Shariff Aguak
Datu Saudi Ampatuan
Ampatuan
Shariff Saydona Mustapha
Datu Hoffer Ampatuan
Mamasapano
Datu Piang
Sultan sa Barongis
Datu Salibo
Guindulungan






