Home HEALTH Higit 1B tao sa mundo obese – WHO

Higit 1B tao sa mundo obese – WHO

MANILA, Philippines- Mahigit isang bilyong indibidwal ang ikinokonsiderang obese sa buong mundo ayon sa updated estimates mula sa World Health Organization at mga grupo ng international researchers.

Laganap ang labis na katabaan na naging mas karaniwan kaysa sa pagiging kulang sa timbang sa mayorya ng mga bansa, kabilang ang maraming mga bansang may mababa at katamtamang kita na dati ay nakipaglaban sa kakulangan sa nutrisyon.

Sinabi ni Majid Ezzati, senior author ng The Lancet at professor ng Imperial College London, ang nakagugulat na bilang ng mga tao ay namumuhay sa labis na katabaan.

Ang mga natuklasan batay sa malayang  pagtatantya, ay batay sa datos mula sa higit sa 220 milyong tao sa higit sa 190 mga bansa.

Habang ang obesity rate ay tumataas sa maraming mas mayayamang bansa, mabilis sin itong tumataas sa ibang lugar, idinagdag ni Ezzati.

Higit sa doble ang obesity rate para sa mga may sapat na gulang sa pagitan ng 1990 at 2022, at higit sa apat na beses sa mga bata at kabataan na may edad na 5-19, sinabi ng ulat.

Sa parehong panahon, ang proporsyon ng mga batang babae, lalaki at nasa sapat na gulang na itinuturing na kulang sa timbang, batay sa pagsusuri.

Tinawag ni Ezzati ang pagtaas ng mga rate ng labis na katabaan sa mga bata na “very concerning,” na sumasalamin sa isang trajectory na nakita sa mga nasa hustong gulang bago pa sumapit ang 1990. Kasabay nito, aniya, daan-daang milyon pa rin ang walang sapat na pagkain.

Sinabi ni WHO Director-Geberal Dr. Tedros Adhanom Ghebreyesus na ang pagpapatupad ng mga hakbang tulad ng mga buwis sa mga produktong matataas ang asukal at pagtataguyod ng masustansyang pagkain sa paaralan ay kailangan upang makatulong na matugunan ang mga rate ng labis na katabaan.

“Importantly, it requires the co-operation of the private sector, which must be accountable for the health impacts of their products,” dagdag pa nito. Jocelyn Tabangcura-Domenden

Previous articleExperts: Maraming doktor misinformed sa tobacco harm reduction
Next articleJohn Lloyd, tinanggihan si Bea!