PANAMA CITY– Iniulat ng mga public health expert na maraming mga doktor at iba pang healthcare professionals ang kulang sa tamang impormasyon ukol sa tobacco harm reduction dahilan upang maging limitado ang opsyon para sa ‘adult smokers’ na naghahanap ng mas epektibong paraan upang tumigil sa paninigarilyo.
“There is a high level of misinformation about THR and nicotine in the healthcare community. Many doctors do not understand that the harmful effects of the combustion in cigarettes are orders of magnitude greater than the minimal health risks of nicotine,” ayon kay Dr. Konstantinos Farsalinos, cardiologist, public health expert at external research fellow sa University of Patras at University of West Attica sa Greece.
“We need to convince doctors about the science behind THR, as they are considered credible sources of health information by the general public,” dagdag na pahayag ni Dr. Farsalinos.
Winika naman ni Dr. Rohan Sequeira, isang cardio-metabolic physician sa Sir JJ Hospital at medical director sa St. Elizabeth Hospital Mumbai, ang kakulangan sa impormasyon ukol sa smoke-free nicotine alternatives sa buong medical community.
“Some doctors believe smoking is better than vaping because they do not understand the difference between combustion in cigarettes and aerosols in vapes. We need to educate doctors and provide them with the right information about vapes and other less harmful nicotine alternatives,” ani Dr. Sequeira.
Ang Vapes, heated tobacco products at oral nicotine ay kinokonsidera na isang uri ng THR, ang mga produktong nabanggit ay hindi sumusunog ng tobacco at hindi rin lumilikha ng usok na nagpo-produce ng libo-libong nakapipinsala at masamang kemikal na dahilan ng sakit na may kaugnayan sa paninigarilyo.
Tinuran naman ni Dr. Lorenzo Mata Jr., isang Filipino THR advocate, na ganap niyang suportado ang apela nina Dr. Farsalinos at Prof. Dr. Sequeira.
“I call on THR advocates and other enlightened healthcare professionals in the Philippines to join forces in providing local physicians with the scientific facts about THR and how it can help millions of Filipinos quit smoking through less harmful nicotine alternatives,” ang litaniya ni Dr. Mata, presidente ng Quit for Good, isang non-profit, non-stock organization na nagpo-promote ng ‘harm reduction’ bilang isang ” compassionate strategy” para pagaanin ang pinsala sa kalusugan ng tao at lipunan dala ng sigarilyo at iba pang nasusunog na produkto ng tabako.
Ang THR ay isang “public health strategy” na naglalayong magbigay ng mas ligtas na alternatibo para bawasan ang pinsala sanhi ng paninigarilyo at nagbibigay ng nikotina sa mga tao na ayaw huminto sa paninigarilyo nang kusa sa kanilang sarili.
Ito ay sumasaklaw sa pragmatikong polisiya, regulasyon at aksyon na maaaring mabawasan ang panganib sa kalusugan sa pamamagitan ng pagbibigay ng mas ligtas na uri ng produkto o sangkap o hikayatin ang hindi gaanong peligrosong gawi.
Ang THR ay hindi eksklusibong nakatuon sa pagsira sa produkto o gawain. Sa pamamagitan na gawing available ang mas ligtas na nicotine products, ang THR ay naghahain ng bagong pagpipilian sa milyong mga tao sa buong mundo na nais na lumayo mula sa paninigarilyo subalit hindi nagawa sa mga opsyon na dating available o nagagamit.
Samantala, natuklasan naman sa kamakailan lamang na survey na laganap na ang maling impormasyon hinggil sa vaping, at marami nang mga mamimili at mga doktor ang nagkamali ng paniniwala na ang nikotina ang sanhi ng smoking-related illnesses. Kris Jose