MANILA, Philippines- Inihayag ng Department of Education (DepEd) nitong Biyernes na hindi nito awtorisado ang pagbebenta ng booklets o workbooks para sa Catch-up Fridays, at iginiit na hindi dapat maglabas ng pera para sa school activities.
“The Department reiterates that such acts are strictly prohibited. Catch-up Fridays and other school activities must not involve out-of-pocket costs. Parents and learners are reminded not to accommodate and patronize such unauthorized transactions,” pahayag nito.
Inihayag ng departamento na nakatanggap ito ng ilang reklamo na nagbebenta ang ilang school personnel at ginagawang rekisitos na bumili ang mga mag-aaral ng booklets o workbooks para sa Catch-up Fridays at iba pang aktibidad.
Anang DepEd, gumugulong na ang imbestigasyon ukol dito.
“Any individual found guilty of such scheme shall face appropriate administrative sanctions,” babala ng DepEd.
Nanawagan din ang ahensya sa publiko na isumbong ang katulad na insidente sa Office of the Secretary sa [email protected].
Ipinatupad ng DepEd ang Catch-up Fridays simula noong January 12 upang paghusayin ang reading skills ng mga mag-aaral maging academic performance nila. RNT/SA