Home ENTERTAINMENT John Lloyd, tinanggihan si Bea!

John Lloyd, tinanggihan si Bea!

Manila, Philippines- Sa latest episode ng “Cristy Ferminute,” isiniwalat ng batikang showbiz journalist na si Cristy Fermin na diumano’y tinanggihan daw ni John Lloyd Cruz ang reunion project niya kay Bea Alonzo.

Noon pa kasi ay may clamor na ang kafaneyan na muli silang mapanood sa isang proyekto.

Sa mga tagasubaybaybay din ng kuwento ng kanilang mga karakter bilang Popoy at Basha, bet nilang magkaroon ng continuation ang kanilang love story.

Wala namang nabanggit na dahilan si Tita Cristy kung bakit ni-reject ni John Lloyd ang nasabing proyekto.

Sina Bea at John Lloyd ay huling nagkasama sa pelikulang “A Second Chance” noong 2015 na sequel sa highly successful romantic drama na “One More Chance.”

Huli naman silang napanood sa fast-food chain commercial na “One True Pair” noong 2021. Archie Liao

Previous articleHigit 1B tao sa mundo obese – WHO
Next articleKulang na suplay ng tubig sa gitna ng El Niño inaasahang maiibsan ng Upper Wawa Dam