Home METRO Kulang na suplay ng tubig sa gitna ng El Niño inaasahang maiibsan...

Kulang na suplay ng tubig sa gitna ng El Niño inaasahang maiibsan ng Upper Wawa Dam

MANILA, Philippines- Umuusbong ang Upper Wawa Dam flagship project ng national government bilang “most reliable source” ng tubig sa Kalakhang Maynila kung saan magagamit ng mga lugar malapit sa metropolis ang labis na suplay, ayon sa Prime Energy-led Wawa JVCo Inc.

Ang Upper Wawa Dam, pinakamalaking water supply infrastructure na maitatayo sa loob ng 50 taon, ay Phase 2 ng Wawa Bulk Water Supply Project. Sa kasalukuyan ay 93 porsyento na itong kumpleto hanggang nitong Pebrero 28.

May kapasidad ang Upper Wawa Dam na halos 710 million liters per day (MLD) na makapagbibigay ng matatag na pinagkukunan ng raw water at makapagbabawas sa pag-asa sa Angat-Iba System.

Maiibsan din ng Upper Wawa Dam ang pangamba sa climate change-related challenges, kabilang ang mahabang dry spell na inanasahang idudulot ng El Niño phenomenon.

“With its substantial capacity and innovative design, the dam holds immense potential to enhance water security and resilience, which will be a massive step in avoiding a water crisis in Metro Manila and nearby provinces,” anang WawaJVCo.

“The Upper Wawa Dam will help address water security and ensure sustainable water supply to benefit over 700,000 households or about 3.5 million Filipinos within the service area of MWSS,” dagdag ng kompanya. RNT/SA

Previous articleJohn Lloyd, tinanggihan si Bea!
Next articlePagkakasibak sa serbisyo pinalagan ng mga parak na sangkot sa Jemboy Baltazar case