MANILA, Philippines – Nasa kabuuang 1,009 persons deprived of liberty (PDLs) ang napalaya mula Nobyembre hanggang Disyembre, ayon sa Bureau of Corrections (BuCor) nitong Biyernes, Disyembre 12.
Sa pahayag, sinabi ng BuCor na nagdala ito sa kabuuang bilang ng mga napalayang PDL sa 28,616 mula Hunyo 2022 hanggang Disyembre 12.
“We are reminded that the true measure of justice is not only in accountability but also in the opportunity to rebuild, to be restored, and to return to society,” pahayag ni Bureau of Corrections (BuCor) Director General Gregorio Catapang Jr. kasabay ng culminating activity.
Ayon sa BuCor, 555 ang napalaya dahil sa expired maximum sentence, 240 sa parole, 147 ang na-acquit, 38 dahil sa grant of habeas corpus, 28 ang nagawaran ng probation, habang ang isa ay nailipat sa ibang kustodiya.
Samantala, 360 ang mula sa New Bilibid Prison, 56 mula sa Correctional Institution for Women, 98 mula sa Iwahig Prison and Penal Farm, 89 mula sa Leyte Regional Prison, 153 mula Davao Prison and Penal Farm, at 145 ang mula sa San Ramon Prison and Penal Farm. RNT/JGC