Home ENTERTAINMENT Kim, tinawag na people’s superstar; Basher, pumalag!

Kim, tinawag na people’s superstar; Basher, pumalag!

277
0

Manila, Philippines – It’s still a merry Christmas for Kim Chiu–this despite going through rough patch.

Public knowledge na may matinding pinagdadaanan ngayon ang TV host-actress.

But it’s no reason not to celebrate Christmas.

Sa katunayan, sa kanyang Instagram ay masayang ipinost ni Kim na: “Just designed my Christmas tree in 2 hours, and it felt good!”

Her fans can’t wait to see Kim proudly show what it looks like.

Isa ngang netizen ang tumawag sa kanya ng “people’s superstar” –na inalmahan ng isa niyang basher.

Paano raw magiging people’s superstar si Kim na wala na daw pera?

Obyus na ang tinutukoy nito ay ang nawalang pera ng aktres to the tune of millions.

Ipinagtanggol naman siya ng isang fan by saying Kim may have lost money pero hindi naman siya financially drained as in nasimot nang lahat.

Bale ba, ang nananahimik na si Janine Gutierrez ay nadamay pa.

Si Janine ang dating leading man ni Paulo Avelino na nali-link ngayon kay Kim.

Umabot kasi sa point na pinagkukumpara ang fan base ng dalawang Kapamilya actress.

Kesyo sampu lang daw ang faney ni Janine, kung paanong no match din ang net worth nito kumpara kay Kim.

O, ‘di ba, nakakaloka…samantalang Christmas tree lang na dinisenyo ni Kim ang pinag-uusapan?! Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here