MANILA, Philippines – NAGTALAGA si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ng mga karagdagang miyembro ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB).
Kinumpirma ni Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro, araw ng Biyernes na ang bagong set ng MTRCB board members ay sina Nestor Cuartero, Maria Rosario Fabregas, and Ma. Cecilia Villarosa.
Ang appointment paper ng mga ito ay nilagdaan ng Pangulo noong Disyembre 2.
Ang mga bagong appointees ay magsisilbi hanggang Sept. 30, 2026. Pinalitan ng mga ito sina Jerry Talavera, Cherry Anne Espion, at Jan Marini Cadungog.
Ang MTRCB, o Movie and Television Review and Classification Board, ay isang ahensya ng pamahalaan sa Pilipinas na responsable sa pagrerebyu, pagmamarka, at pag-uuri ng mga palabas sa telebisyon at sinehan.
Ang tungkulin ng MTRCB ay tiyakin na ang mga palabas na ipinapalabas sa publiko ay sumusunod sa mga patakaran at regulasyon na may kinalaman sa moralidad, etika, at kultura.
Ito ay naglalayong protektahan ang mga manonood, lalo na ang mga menor de edad, mula sa hindi naaangkop na nilalaman na maaaring makasama sa kanilang pag-unlad at kinabukasan. Kris Jose