Home NATIONWIDE Higit 1M pasahero naitala sa BSKE, Undas break

Higit 1M pasahero naitala sa BSKE, Undas break

MANILA, Philippines – Lumagpas na sa isang milyon ang bilang ng mga manlalabay na bumyahe ngayong Undas at halalan kung saan pinakamarami rito ang mga sea traveler, ayon sa Philippine Ports Authority (PPA).

Sinabi ni PPA spokesperson Eunice Samonte na sa una ay inaasahan ng PPA ang 1.4 milyong manlalakbay ngunit ang bilang ay umabot na sa isang milyon noong Oktubre 28 hanggang Nob. 1 lamang, at idinagdag na ito ay maaaring tumaas sa mga darating na araw.

“Sa ngayon po ay nakikita po natin mas marami po ‘yung mga tao na dumarating sa pantalan pati na rin po ‘yung mga chance passengers,” aniya pa.

Sinabi ng PPA na ang mga daungan sa dagat na may pinakamaraming pasahero ay nasa Batangas, Mindoro, Bohol, at Negros Oriental.

Pinaalalahanan ni Samonte ang mga pasahero na mag-impake ng magaan at huwag magdala ng mabibigat na appliances para sa kadalian ng paglalakbay. RNT