Home NATIONWIDE Higit 1M Ukrainians walang kuryente sa mga airstrike ng Russia

Higit 1M Ukrainians walang kuryente sa mga airstrike ng Russia

UKRAINE – Mahigit isang milyong Ukrainian ang walang kuryente matapos ang magdamag na mga airstrike ng Russia sa mga energy facilities.

Naapektuhan ng strike ang nasa 700,000 residente sa eastern Kharkiv region, at 200,000 sa southern Odesa at southeastern Dnipropetrovsk regions, habang 110,000 naman sa central Poltava region, ayon kay Oleksiy Kuleba, deputy head ng presidential administration.

Naglunsad ang Russia ng 15 strike sa mga energy facility sa Kharkiv kung kaya’t halos buong lungsod ay walang kuryente.

Nagdulot din ng problema sa suplay ng tubig ang nangyaring power outages at naparalisa ang electric transport sa lungsod. RNT/JGC

Previous articlePeligrosong aksyon ng China sa WPS, kinondena ng US
Next articleMas mainit na panahon, asahan ngayong Semana Santa – PAGASA