Home NATIONWIDE Higit 200 gun ban violators tiklo

Higit 200 gun ban violators tiklo

MANILA, Philippines- Naaresto ng mga awtoridad ang mahigit 200 gun ban violators, kabilang ang dalawang tauhan ng tauhan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at isang elected government official (EGO), sa period ng paghahain ng certificates of candidacy (COC) para sa 2023 Barangay and Sangguniang Kabataan Elections, ayon sa Philippine National Police (PNP).

Base datos ng PNP, sinabi ni spokesperson and public information office chief ng ahensya na si Col. Jean Fajardo nitong Linggo na naaresto ng mga operatiba nito ang kabuuang 216 indibdiwal mula August 28, alas-12 ng hatinggabi hanggang September 2, dakong alas-11:59  ng gabi.

Bukod sa AFP members at EGO, sinabi ni Fajardo na 211 ay sibilyan, habang security guard naman ang dalawa.

Base pa sa datos, mula sa Metro Manila, o National Capital Region ang most apprehended violators sa 64, sinundan ng San Fernando sa Pampanga sa bilang na 46, at Cebu sa 22.

Pinairal ng Commission on Elections ang gun ban, na nagbabawal sa “unauthorized carrying or transporting of firearms and deadly weapons outside residences, businesses, and public places” alinsunod sa Resolution No. 10918 noong August 28 — sa unang araw ng COC filing — hanggang November 28. RNT/SA