DAVAO, Philippines – Sinira ng Davao City Police ang 296 modified mufflers (bora-bora) at 270 “lantakas” na nakumpiska sa mga operasyon laban sa ingay at para sa kaligtasan ng publiko.
Ayon kay Col. Mannan Muarip, acting city police director, mahigpit na ipinagbabawal ng City Ordinance 0334-12 ang modified mufflers dahil nakakasagasa ito sa kapayapaan at kaayusan.
“Our operations will continue with barangay-level raids and checkpoints to intercept violators and cut off the supply chain,” sabi ni Muarip.
Hinihikayat din niya ang mga may-ari ng motorsiklo, lalo na kabataan, na kusang isuko ang kanilang modified mufflers.
“You can turn them over to your barangay captains, and we will collect them there,” dagdag niya.
Samantala, inulit ng City Transport and Traffic Management Office (CTTMO) na bawal pa rin ang electric tricycles (e-trikes) sa mga pangunahing kalsada.
Ani CTTMO head Dionisio Abude, hindi tulad ng motorcycles-for-hire (MTH) na may lisensya at rehistro, hindi pumapasa sa pamantayan ang e-trikes.
“There is still no local ordinance allowing e-trikes to accept passengers or ply national highways and major streets within the city,” sabi ni Abude.
Dagdag pa niya, kung papayagan man sa lungsod, dapat ituring ang e-trikes bilang “unconventional” at may partikular na pamantayan gaya ng closed cab para sa kaligtasan ng pasahero.
“Currently, they are used to carrying passengers without a closed cab, so almost everything is a violation,” dagdag niya. RNT/MND