Home NATIONWIDE Higit 2,200 Red Cross first aiders handa na para sa Undas 2024

Higit 2,200 Red Cross first aiders handa na para sa Undas 2024

MANILA, Philippines- Handa na ang mahigit 2,200 first aiders ng Philippine Red Cross (PRC) upang umagapay para sa paggunita ng Undas 2024.

Sa kabila ito ng kaliwa’t kanang pagtugon sa mga nasalanta ng bagyong Kristine at paghahanda para sa isa pang bagyo na pinangalanang Leon.

Ayon sa PRC, nasa kabuuang 2,297 first aiders mula sa 98 chapters nito at branches ang ipakakalat upang pamahalaan ang 320 first aid stations sa buong bansa na ilalagay sa 300 sementeryo kabilang ang Manila North at South Cemeteries sa Maynila, La Loma Cemetery sa Caloocan, at The Heritage Park sa Taguig; 30 PRC Chapters  kasama ang 15 highways, 12 bus terminals, 12 seaports, anim na gas stations, at limang beaches gayundin ang paliparan, simbahan, mall at barangay hall.

Nasa 104 foot patrol units, 60 ambulance units at 57 mobile units ang ide-deploy upang masiguro ang full coverage at accommodation ng mga indibidwal na kailangan ng agarang paggamot o medical assistance. Nasa 159 welfare desks din ang ilalagay sa mga sites upang tugunan ang mga alalahanin ng publiko.

Tiniyak ni PRC Chairman and CEO Richard Gordon na ang first aid teams ay “equipped” upang maasistihan ang malaking bulto ng mga potensyal na pasyente sa kanilang isang linggong  tungkulin, gayundin ang papasok na exodus samga probisnya sa panahon ng Undas.

Nagpaalala naman si PRC Secretary General Dr. Gwen pang sa publiko na manatiling mapagmatyag at alerto sa kabuuan ng Undas. Jocelyn Tabangcura-Domenden