Home NATIONWIDE Higit 24% ng target na balota sa 2025 polls, naimprenta naNATIONWIDETOP STORIES Higit 24% ng target na balota sa 2025 polls, naimprenta naFebruary 9, 2025 10:49 FacebookTwitterPinterestWhatsAppTikTok MANILA, Philippines – Nakapag-imprenta na ang Commission on Elections (Comelec) ng mahigit 17 milyong balota para sa 2025 elections.Sa mensahe, sinabi ni Comelec Chairman George Erwin Garcia na nakapag-imprenta na ng 17,356,811 balota hanggang nitong Biyernes, Pebrero 7.Ito ay 24.07 percent ng kabuuang 72,107,420 balota na kailangang maimprenta.Ang dalawang HP printers ay nakapag-produce na ng 9,008,136 balota.Ito ay bahagi ng pinirmahang kasunduan sa pagitan ng Miru Systems bilang automated election systems provider ng Comelec.Samantala, nakapag-imprenta naman ang Canon printers mula sa National Printing Office (NPO) ng 8,348,675 balota.Target ng Comelec na makapag-imprenta ng mahigit 1.5 milyong balota kada araw. RNT/JGC