MANILA, Philippines – Hindi papalitan ng Alyansa Para sa Bagong Pilipinas si Senador Imee Marcos sa kanilang Senate slate, ayon sa campaign manager nito, araw ng Sabado, Pebrero 7.
“Definitely no plans to replace Sen. Imee. Definitely, that’s 100% she’s part of the Alyansa candidates,” pahayag ni Navotas Rep. Toby Tiangco sa pagsisimula ng kanilang kampanya.
Sa kabila nito, sinabi ni Tiangco na hindi pa tiyak kung dadalo si Imee sa kick off ng campaign period para sa tiket ng administrasyon sa Pebrero 11 sa Laoag City, Ilocos Norte.
Inaasahan naman ni Tiangco na dadalo ang lahat ng miyembro ng slate.
“No one has sched that they will not go. So, let’s put it that way. I requested them to be present. And wala namang nagsabi na hindi sila makakapunta,” ani Tiangco.
Matatandaan na naiipit ang senador sa hidwaan nina Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at Vice President Sara Duterte. RNT/JGC