Home NATIONWIDE PH reserves bumaba sa $103B noong Enero

PH reserves bumaba sa $103B noong Enero

MANILA, Philippines – Bumaba sa nine-month low ang foreign currency reserves ng Pilipinas noong Enero 2025 dahil sa foreign exchange interventions at debt payments ng pamahalaan.

Sa datos ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), ang gross international reserves (GIR) ay nanatili sa $103.021 billion sa pagtatapos ng Enero, bumaba mula sa $106.256 billion noong Disyembre 2024.

Nagmarka ito sa pinakamababang lebel mula Abril 2024 sa $102.647 billion.

“The month-on-month decrease in the GIR level reflected mainly the Bangko Sentral ng Pilipinas’ net foreign exchange operations, and drawdown on the national government’s deposits with the BSP to pay off its foreign currency debt obligations,” sinabi ng BSP.

Ayon kay Rizal Commercial Banking Corp. Chief Economist Michael Ricafort, ang pagbaba ay dahil sa foreign debt maturities, government expenses sa foreign currency, at interbensyon ng BSP sa kabila ng US dollar-peso volatility.

Sa kabila ng pagbaba, sinabi ng BSP na ang reserves ay nananatiling sapat, sakop ang 7.3 months na halaga ng imports at external payments—well na mas mataas sa three-month minimum conventionally deemed sufficient.

Ang GIR AY 3.6 beses sa short-term external debt ng bansa batay sa residual maturity.

Kabilang sa reserve assets ay ang foreign investments, gold, foreign exchange, IMF reserve positions, at special drawing rights.

Samantala, ang net international reserves (NIR)— o pagkakaiba sa GIR at reserve liabilities ng BSP ay bumaba ng $3.2 billion sa $103.0 billion mula $106.2 billion noong Disyembre. RNT/JGC