Home METRO Higit 2k pamilyang nasunugan sa Tondo, binigyan ng tig-P15K ayuda

Higit 2k pamilyang nasunugan sa Tondo, binigyan ng tig-P15K ayuda

265
0

MANILA, Philippines – PINANGUNAHAN nina Manila Mayor Isko Moreno Domagoso at Vice Mayor Chi Atienza, kasama si Manila Department of Social Welfare (MDSW) Director Jay Reyes Dela Fuente, ang pamamahagi ng tulong pinansiyal sa kabuuang 2,184 pamilya na naapektuhan ng sunog sa Aroma Temporary Housing, Happy Land sa Tondo, Maynila.

Nabatid kay Dela Fuente na nakatanggap ng tig-P15,000 ang bawat pamilya bilang agarang tulong upang sila ay makabangon at muling makapagsimula matapos ang trahedya.

Nabatid na bukod sa nasabing tulong pinansiyal ay nagbigay din ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) ng mga ready-to-eat food boxes para sa mga apektadong pamilya.

Ayon kay Dela Fuente, sa pagtutulungan ng mga kawani ng MDSW ay matagumpay nilang natapos ang pamamahagi ng tulong pinansiyal sa bawat pamilyang nasunugan dakong ala-1 nitong Martes ng madaling araw, Setyembre 16.

Matatandaan na dakong alas-8:30 ng gabi noong Sabado, Setyembre 13, nang sumiklab ang sunog sa Building 7, 12, at Gawad Kalinga Compound sa Happy Land, Barangay 105, Zone 8 na mabilis namang kumalat dahil pawang gawa sa light materials ang mga kabahayan kung saan umabot ito sa Task Force Bravo.

Pansamantala namang tumutuloy sa Barangay 105 Covered Court, Vicente Lim Elementary School, Barangay 101 Covered Court, Antonio Villegas High School bilang mga evacuation sites ang mga apektadong pamilya na nasunugan.

Agad naman nagpahatid ng mainit na pagkain at malinis na tubig inumin ang MDSW sa mga nagsilbing evacuation center ng mga nasunugan at patuloy na sinisiguro na ang lahat ng serbisyo ay naipaabot nang maayos at nararapat sa bawat apektadong pamilya. JAY Reyes

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here