Home NATIONWIDE Higit 2M pasahero naminitor sa mga pantalan sa Semana Santa

Higit 2M pasahero naminitor sa mga pantalan sa Semana Santa

MANILA, Philippines – Pumalo sa higit dalawang milyong mga pasahero ang namonitor ng Philippine Ports Authority (PPA) sa lahat ng mga daungan sa bansa sa katatapos lamang na Semana Santa.

Sa ulat ng PPA, mula Abril 12 hanggang 20, 2025, pinakamaraming naitalang pasahero noong Easter Sunday, Abril 20, na umabot sa 376,736, kasunod ng Holy Wednesday, Abril 16, na may 333,330.

Samantala, noong Good Friday ang may pinakamababang bilang ng pasahero na naitala sa 105,152.

Sa pinakahuling situation report nito kahapon, Abril 20, 2025, nakapagtala ang PCG ng 104,714 outbound passengers at 82,396 inbound passengers mula 12nn hanggang 6pm kahapon.

Inaasahang darami pa ang mga pasahero na dadaong sa mga pantalan ngayong araw ng Lunes, Abril 21, 2025 dahil sa pagbabalik ng mga ito na magmula sa kani-kanilang destinasyon. Jocelyn Tabangcura-Domenden