Home NATIONWIDE Higit 30 EDSA busway violators pinagmulta ng P5K

Higit 30 EDSA busway violators pinagmulta ng P5K

MANILA, Philippines – Pinagmulta ng tig-P5,000 ng mga awtoridad ang ilang motorista, kabilang ang isang government vehicle na dumaan sa EDSA Busway sa Quezon City nitong Lunes, Enero 20.

Ayon sa ulat, karamihan sa mga violators ay mga motorcycle rider.

Pinara rin ang mga motorista na may expired na driver’s license at vehicle registrations.

Bukod sa convoy ng Pangulo, Bise Presidente, Senate President, House Speaker at Chief Justice, tanging ang mga on-duty na ambulansya, fire trucks at police cars lamang ang pinapayagang dumaan sa EDSA Busway. RNT/JGC