Home NATIONWIDE Mga tanim sa Benguet binalot ng andap

Mga tanim sa Benguet binalot ng andap

MANILA, Philippines – Binalot ng frost o andap ang ilang mga tanim na gulay sa Atok, Benguet kasabay ng malamig na panahon dahil sa Northeast Monsoon o Amihan.

Ayon sa ulat, pinaghahandaan ng mga magsasaka ang andap tuwing Amihan na maaaring makapinsala sa mga tanim na gulay.

Samantala, naitala ang mababang temperatura sa iba’t ibang bahagi ng bansa ngayong araw.

Kabilang dito ang Itbayat, Batanes sa 19.3°C, Baguio City sa 15 °C, Abucay, Bataan sa 20.3°C, Tanay, Rizal sa 20.3°C, habang bumaba rin ng 12.9 degrees Celsius ang temperatura sa La Trinidad, Benguet.

Sa ngayon ay ito ang pinakamalamig na temperaturang naitala ngayong Amihan season.

Posibleng mas maramdaman pa ang malamig na panahon sa mga susunod na linggo. RNT/JGC