MANILA, Philippines – Humingi ng tawad ang security guard na sangkot sa viral video ng isang sampaguita vendor.
Sa ulat, inamin umano ng guard sa Philippine National Police na nawalan siya ng pasensya, dahilan para paalisin niya ang dalaga at sirain ang tinda nitong mga sampaguita.
Sinabi naman ng security agency na ang gwardya ay hindi tinanggal sa trabaho ngunit kasalukuyang naka-off detail, o pansamantalang suspendido sa duty habang nagpapatuloy ang imbestigasyon.
Inanunsyo rin ng agency ang planong magpatupad ng karagdagang programa at training sa kanilang mga tauhan upang maiwasan ang kaparehong insidente.
“Ang sa amin lang, sa sitwasyon na yun, kinausap na lang namin yung guard namin na sana wag na ulit mangyari yun. At saka, kung ano man ma-encounter, susundan na lang yung natin yung tinuturo sa mga traning,” ayon kay Marvin Lacanglacang, operations manager ng Red Eye II Security and Services Inc. sa panayam ng GMA News. RNT/JGC