MANILA, Philippines- Mahigit 40 Filipino mula Israel ang nakabalik na sa bansa sa patuloy pagpapauwi at pagbibigay ng tulong sa distressed migrant workers sa gitna ng tensyon sa Middle East.
Sinabi ng Department of Migrant Workers (DMW) na kabuuang 44 repatriates ang dumating noong Biyernes ng hapon sa Ninoy Aquino International Airports.
Sila ay binubuo ng 35 babaeng overseas Filipino workers, anim na lalaki, at dalawang dependents.
Ayon sa pahayag noong Biyernes, sinalubong ng mga opisyal at kinatawan mula sa DMW at Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) ang repatriates.
Tumindi ang sagupaan sa pagitan ng Israel at Hamas noong Oktubre 7, 2024 matapos maglunsad ang grupong Palestinian Islamist ng mga pag-atake sa southern Israel.
Ayon sa ulat ng Reuters, 1,200 katao ang namatay sa pag-atake sa isang araw sa kasaysayan ng Israel , at 251 indibidwal ang dinala sa Gaza bilang mga hostage. Jocelyn Tabangcura-Domenden