MANILA, Philippines- Pinaigting ng administrasyong Marcos ang paglansag sa illegal trade activities sa agrikultura.
Sa katunayan, isang inaugural meeting ang isinagawa ngayong linggo ng isang body na inatasan na labanan ang agricultural sabotage.
Sa isang kalatas, sinabi ng Department of Agriculture (DA) na nagtipon ang Anti-Agricultural Economic Sabotage (AAES) Council para sa kauna-unahang pagkakataon nito lamang Marso 5 sa Palasyo ng Malakanyang.
Ang TAAES ay nilikha sa ilalim ng Republic Act 12022 o Anti-Agricultural Economic Sabotage Act, tinintahan upang maging ganap na batas noong Oktubre ng nakaraang taon.
Nagpatupad ang batas ng mas mas mahigpit na multa at mas mahabang sentensya sa bilangguan para sa mga sangkot sa ‘agricultural smuggling, hoarding, profiteering, at cartel activities.’
Si Special Assistant to the President for Investment and Economic Affairs Frederick Go ang tumatayong chairman, sa pamamagitan ng inaugural AAES meeting ginawang pormal ang paglikha ng mga mahalagang team na inatasan na magsagawa ng probisyon ng bagong batas.
“With both the law and the implementation team now fully established, we are poised to aggressively target economic saboteurs, especially in the vital sectors of agriculture and fisheries. This will empower us to protect our local farmers, fisherfolk, and consumers, ensuring a better quality of life for our people,” ayon kay Go.
Pinagsama ng konseho ang mga opisyal mula sa ilang mahahalagang ahensiya ng pamahalaan kabilang na rito ang DA, Department of Finance (DOF), Department of Justice (DOJ), at Philippine National Police (PNP), bukod sa iba pa.
Layon ng AAES na labanan ang illegal agricultural trade activities na may partikular na pagtuon sa large-scale smugglers, hoarders, profiteers, at cartel operators na na nakagagambala sa ‘supply chains, ilagay sa peligro ang kabuhayan ng mga magsasakang Pilipino at mangingisda at papanghinain food security.
Layon naman ng paglansag ng konseho “to restore stability and fairness to the agricultural sector, which has long been plagued by these illegal practices.”
Idagdag pa rito, tinalakay din ng AAES ang paglikha ng Daily Price Index (DPI) para i-monitor ang agricultural prices, kasama ang Agribusiness and Marketing Assistance Service (AMAS) ng DA na nakatalaga para panatilihin ito.
Sanib-pwersa ang DOF at Department of Trade and Industry (DTI) para pangasiwaan ang ‘full implementation’ ng National Single Window para sa cargo clearance, naglalayon na sugpuin ang daloy ng illegal imports.
“The Council also constituted an Executive Committee that could be convened anytime in order to, among others, issue Letters of Authority—if intelligence information or evidence warrant—to the Enforcement Group to ensure compliance with Republic Act 12022,” ayon sa DA.
“Together, we are sending a strong message that those who undermine our agricultural sectors will face swift and decisive action,” ang winika pa ni Go.
“The council is scheduled to meet quarterly, with special sessions convened as necessary to sustain momentum in addressing agricultural economic sabotage and ensure the protection of the country’s food supply chain,” ayon sa DA. Kris Jose