Home HOME BANNER STORY Higit 50% tapyas-paper works ng guro target ng DepEd para tutok-turo

Higit 50% tapyas-paper works ng guro target ng DepEd para tutok-turo

MANILA, Philippines – Plano ng Department of Education (DepEd) na bawasan ng 57% ang paperwork ng mga guro sa pamamagitan ng bagong kautusan, binabawas ang kinakailangang school forms mula 174.

Ang hakbang na ito ay tugon sa direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. upang mapabuti ang kalidad ng edukasyon at mabawasan ang pasanin ng mga guro sa administratibong gawain.

Ayon kay Education Secretary Sonny Angara, layunin ng polisiya na pagaanin ang trabaho ng mga guro upang mapabuti ang kalidad ng kanilang pagtuturo.

Sa ilalim ng bagong alituntunin, lima na lang ang kailangang regular na forms, bukod sa karagdagang forms para sa iba pang gawain.

Isinusulong din ng DepEd ang isang Data Management framework upang gawing mas episyente ang reporting system at alisin ang mga hindi kailangang dokumentasyon. Maglulunsad din ng mga kampanya upang ipaalam sa mga guro ang mga repormang ito.

Natuklasan ng pag-aaral ng DepEd na labis ang oras na ginugugol ng mga guro sa paperwork, na naglilimita sa kanilang oras sa paggawa ng lesson plans at pakikisalamuha sa mga estudyante.

Lumabas sa survey na 42% ng mga guro ang nagtatrabaho ng mahigit 50 oras kada linggo, kung saan malaking bahagi nito ay napupunta sa gawaing hindi direktang may kaugnayan sa pagtuturo. RNT