Home HOME BANNER STORY Higit 500K indibidwal may double registration para sa 2025 polls – Comelec

Higit 500K indibidwal may double registration para sa 2025 polls – Comelec

MANILA, Philippines – Mahigit 500,000 indibidwal ang may doble o maramihang rehistrasyon para sa 2025 elections, sinabi ng Commission on Elections (Comelec) nitong Lunes.

Batay sa datos ng Comelec, kabuuang 532,837 aplikante na mayroong duplicate na fingerprints sa kanilang automated fingerprint identification system (AFIS) mula Hulyo hanggang Setyembre 30, 2024.

Sinabi ni Garcia at ayon na rin sa mga eksperto at Korte Suprema na walang tao sa mundo na may magkaparehong fingerprint dahil ang isang tao ay mayroon lamang isang fingerprint.

Ayon kay Garcia, maaaring maghain ang komisyon ng election offenses laban sa mga indibidwal na may doble o multiple registrations. Gayunpaman ang komisyon ay mag-iimbestiga pa rin sa posibleng rason para sa duplicates.

Nakatakdang magpulong ang lahat ng Comelec Election Registration Boards (ERBs) bago matapos ang buwan para sa isang espesyal na pagpupulong para tanggalin ang mga aplikanteng may hit sa AFIS at matukoy kung mayroon silang doble o maramihang rehistrasyon, dagdag ni Garcia.

Ang pinakahuling datos mula sa Comelec ay nagpakita na ang bilang ng mga botante para sa 2025 NLE at Bangsamoro elections ay umabot sa mahigit 68 milyon. Jocelyn Tabangcura-Domenden