Home NATIONWIDE Higit 50K mangingisda walang kita sa masamang panahon – Pamalakaya

Higit 50K mangingisda walang kita sa masamang panahon – Pamalakaya

MANILA, Philippines – Sa pagsisimula ng tag-ulan sa bansa, mahigit 50,000 mangingisda sa Zambales at Cavite ang naghihirap sa kawalan ng arawang kita, ayon sa grupo ng mga mangingisda na Pambansang Lakas ng Kilusang Mamamalakaya ng Pilipinas (Pamalakaya).

Sa initial monitoring ng Pamalakaya, apektado ng masamang panahon ang kabuhayan ng mahigit 27,000 rehistradong mangingisda sa Zambales at 30,000 sa Cavite.

“Also known in coastal communities as sigwada, small fisherfolk are forced to suspend fishing activities due to bigger-than-normal waves and strong winds which usually last from the last week of May to September,” sinabi ng Pamalakaya.

Dahil dito ay inulit ng grupo ang kanilang panawagan sa Department of Agriculture (DA) na gamitin ang bahagi ng P1 bilyong calamity fund para tulungan ang fishing communities sa bansa.

Noong Mayo 29 ay idineklara ng PAGASA ang pagsisimula ng tag-ulan sa bansa. RNT/JGC