Home NATIONWIDE Higit 5K kandidato nagparehistro ng social media accounts sa 2025 polls

Higit 5K kandidato nagparehistro ng social media accounts sa 2025 polls

MANILA, Philippines – Umabot na sa kabuuang 5,195 kandidato ang nagparehistro ng kanilang social media accounts ang natanggap ng Commission on Elections (Comelec) para sa 2025 national at local elections (NLE).

Ayon sa Comelec, kinabibilangan ng 32 kandidato sa pagka-senador, ang local aspirants ay 5,028 at 135 sa mga Party-List Groups, Organizations, at Coalitions nitong Lunes ng hapon, Disyembre 9.

Nagsumite rin ng mga hard copy ang 2,709 aspirants ng kanilang mga dokumento sa poll body.

Hindi kasama rito ang 53 pribadong indibidwal na nagpadala ng mga hard copy ng mga dokumento bago ang promulgation ng COMELEC Resolution No. 11064-A)

Sinabi ng Comelec na hanggang Disyembre 13,2024 na lamang ang pagpaparehistro ng mga online campaign platform.

Una na ring binigyang-diin ng poll body na dapat makumpleto sa loob ng 30 araw sa kalendaryo pagkatapos ng paghahain ng mga sertipiko ng kandidatura o hanggang Disyembre 13, 2024.

Susuriin ng election task force ang lahat ng aplikasyon bago i-endorso ang mga ito para sa pag-apruba o pagtanggi sa Commission en banc.

Ilalathala naman sa opisyal na website ng Comelec at mga social media pages ang mga aprubadong pagpaparehistro.

Kamakailan ay inamyendahan ng Comelec ang resolusyon, na nag-exempt sa mga pribadong pag-aari na account na nag-eendorso sa mga kandidato sa mandatoryong pagpaparehistro. Jocelyn Tabangcura-Domenden