Home NATIONWIDE Higit 5K PDLs sa Bilibid sapul ng chronic illnesses

Higit 5K PDLs sa Bilibid sapul ng chronic illnesses

MANILA, Philippines- Inihayag ng Bureau of Corrections (BuCor) nitong Lunes na 5,275 persons deprived of liberty (PDLs) sa New Bilibid Prison (NBP) sa Muntinlupa City ang nakararanas ng iba’t ibang chronic illnesses.

Sa mga may sakit, sinabi ng BuCor na 622 PDLs ang may hika; 1,051 ang may diabetes melitus; 2,972 ang may hypertension; 16 ang may human immunodeficiency virus (HIV); at 417 ang may pulmonary tuberculosis.

Hanggang nitong Dec. 3, sinabi nito na 152 PDLs ang na-admit sa NBP Hospital at 19 iba pa ang naospital sa labas ng Bilibid.

Inamin ni Dr. Ursicio Cenas, BuCor official na nakatalaga sa NBP hospital, na kulang ang Bilibid ng medical personnel.

Isiniwalat ni Cenas na apat lamang ang doktor sa NBP. “So just imagine the work that I am going to do for the rest of the 24 hours,” wika niya.

Umaasa naman siyang malapit nang buksan ang bagong tayong medical facility sa Bilibid. “It will help if we transfer to the new  hospital because it has a capacity of about 300 beds and supposed to be fully equipped,” giit pa niya. RNT/SA