Home NATIONWIDE Higit 60 pamilya nasa evacuation center pa rin sa Antipolo

Higit 60 pamilya nasa evacuation center pa rin sa Antipolo

181
0

MANILA, Philippines – Nananatili pa rin sa evacuation center sa Barangay San Jose, Antipolo City ang nasa mahigit 60 pamilya na apektado ng pananalasa ng Bagyong Enteng at Habagat.

Matatandaan na tatlong residente ang nasawi, kabilang ang isang buntis, noong Setyembre 2 sa naturang barangay dahil sa landslide.

Ang mga ito ay nakaburol ilang metro lamang mula sa evacuation center ng mga residente sa Sitio Hinapao.

Posibleng hindi pa agad-agad makabalik sa kanilang mga tirahan ang mga evacuees kahit na naigilid na ang mga lupang nahulog mula sa bundok. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here