Home NATIONWIDE Higit 7K pasyente ginamot ng PRC nitong Semana Santa

Higit 7K pasyente ginamot ng PRC nitong Semana Santa

98
0

MANILA, Philippines – Mahigit 7,000 pasyente ang tinugunan ng Philippine Red Cross sa buong bansa sa paggunita ng Semana Santa.

Nitong Sabado, Abril 4 ay iniulat ng PRC na ginamot nito ang kabuuang 7,137 indibidwal mula pa noong Marso 29.

Mayroon namang 6,514 indibidwal ang minonitor ang kanilang vital sign kabilang ang 26 major cases at 583 minor cases.

Labing-apat na mga pasyente naman ang kinailangang dalhin sa mga ospital.

Nakapagbigay din ang PRC ng mga sumusunod na tulong:

Total assistance: 105
Psychological Support: 52
Tracing: 1
Referral: 29
Wheel Chair Assistance / Senior Assistance: 20

Nag-deploy din ang PRC ng mga sumusunod na assets noong Semana Santa:

Ambulances: 75
Mobile Clinic: 1
Volunteer Emergency Response Vehicle: 9
Rescue Boat: 1
FA Stations: 356
Welfare desks: 74
Foot Patrols: 85
Total Manpower (Staff & Volunteers): 2,000

Samantala, iniulat ng ahensya ang mga lugar kung saan nakatalaga ang kanilang mga tauhan:

Area Of Responsibility: 5
Arena: 2
Barangay Hall: 3
Beach: 38
Bus Terminal: 16
Chapters: 25
Church: 141
Command Post: 5
Covered Court: 1
Events Place: 4
Expressway: 1
Gas Station: 6
Highways: 67
Mall: 4
Mountains: 9
Municipal Hall: 1
Park: 5
Pilgrimage: 17
Pools/Rivers: 3
Public Market: 2
Rivers: 6
School: 1
Seaports: 18
Train Station: 1

RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here