MANILA, Philippines – Nag-isyu ang Office of Civil Defense (OCD) ng babala nitong Sabado, Abril 4 sa patuloy na aktibidad ng Bulkang Mayon.
Sa abiso, sinabi ng OCD na posible ang “pyroclastic flow, rockfall, and ashfall” kasabay ng babala sa mga residente sa paanan ng Bulkang Mayon.
“Manatili pong naka-alerto, laging mag-ingat, at sumunod sa paalala at babala ng mga awtoridad,” sinabi pa sa abiso.
Ito ay kasunod ng lava collapse sa Bulkang Mayon bandang alas-4:30 ng hapon.
Nakita rin ang lava effusion na may lava flow sa bulkan.
Ang lava ay umagos sa Basud (3.8 km), Bonga (3.2 km) at Mi-isi (1.3 km) gullies nitong Biyernes kasabay ng episodic minor strombolian activity at short-lived lava fountaining na namataan mula alas-12 ng madaling araw ng Biyernes hanggang alas-12 ng madaling araw ng Sabado.
Nananatili ang Alert Level 3 sa Bulkang Mayon. RNT/JGC