Home NATIONWIDE Higit 806K litro ng langis nasipsip na sa MT Terranova

Higit 806K litro ng langis nasipsip na sa MT Terranova

MANILA, Philippines – Iniulat ng Philippine Coast Guard (PCG) nitong Huwebes, Agosto 29 na nakasipsip na ng 806,254 litro ng langis mula sa MT Terranova, na nagtataglay ng 1.4 milyong litro ng industrial oil fuel nang lumubog ito malapit sa Limay, Bataan noong Hulyo 25.

Sa pahayag ng PCG, sinabi na nakakolekta na ang contracted salvor na Harbor Star ng oily waste mula sa tanker mula Agosto 19 hanggang 28.

Ang Harbor Star, ayon sa PCG, ay nag-ulat na “the rate of oily waste flow” sa August 28 operation ay nasa 26,614 litro kada oras.

Ininspeksyon din ng mga diver ng contracted salvor ang lumubog na mga pump ng tanker at hose para sa mga palatandaan ng leakage ngunit walang nakita sa isang underwater survey.

Minonitor naman ng BRP Sindangan ng PCG, ang siphoning operation at gumamit ng water cannon para mabawasan ang oil sheen na naitala sa lugar na pinaglubugan ng tanker.

Samantala, wala namang ibinigay na petsa ang PCG kung kalian matatapos ang siphoning. RNT/JGC