Home METRO Higit P.5M tobats, nasamsam sa ginang sa Valenzuela

Higit P.5M tobats, nasamsam sa ginang sa Valenzuela

1
0

VALENZUELA CITY, Philippines – Higit P.5 milyong halaga ng hinihinalang shabu ang nasamsam  mula sa isang  ginang  na itinuturing bilang High-Value Individual (HVI) makaraang maaresto ito sa naganap na buy-bust operation ng Valenzuela -PNP napaulat kagabi.

Batay sa report na nakalap mula sa tanggapan ni  Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Benliner Capili, kinilala na isinumite ni Valenzuela Police Chief P/Col. Joseph Talento , ang suspek na si alyas “Eyang”, 43, ng Brgy., Malinta ay naaresto  ng pinagsanib na puwersa  ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa pangunguna ni P/Lt. Sherwin Dascil at ng   PDEA  base sa impormasyong natanggap  hinggil sa  umano’y iligal na aktibidades ni Eyang sa nabanggit na lugar.

Hindi na nakapalag ang suspek nang arestuhin ng mga tauhan ni Lt. Dascil sa loob mismo ng kanyang bahay sa Sitio Dulong Tangke dakong alas-7:00 ng gabi makaraang bentahan umano ng P7,500 halaga ng shabu ang isang pulis na nagpanggap na buyer.

Nakuha sa kanya ang humigi’t kumulang 75 grams ng hinihinalang shabu na may standard drug price na P510,000.00, buy bust money na isang tunay na P500 bi at pitong P1,000 boodle money, P250 cash, ID at coin purse.

Ayon kay SDEU investigator P/MSg Ana Liza Antonio, sasampahan nila ang suspek ng kasong paglabag sa Sections 5 at 11 ng R.A 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2902 sa Valenzuela City Prosecutor’s Office.

Pinuri naman ni Mayor Wes Gatchalian ang Valenzuela City Police sa kanilang matagumpay na operation kontra illegal na droga. “Walang pamilyang dapat masira dahil sa droga. Tuloy ang laban natin kontra ilegal na droga. Sama-sama nating pangalagaan ang ating mga anak, pamilya, at komunidad para sa isang mas ligtas at panatag na Valenzuela,” giit niya. (Merly Duero)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here