MANILA, Philippines- Mahigit P1.15 bilyong halaga ng calamity loan assistance ang ipinagkaloob sa halos 70,000 typhoon-affected members sa ilalim ng Social Security System (SSS).
Sa isang kalatas, sinabi ng SSS na ang halaga ay ipinalabas sa mga kinauukulang miyembro, dalawang linggo sa programa.
“The series of extreme weather conditions have immensely affected our members’ financial well-being. In response, many have quickly availed of our calamity loan assistance to replace or repair their damaged properties. We hope that loan privileges provided by SSS will support their full recovery, just in time for the Holiday season,” ayon kay SSS Acting Head for Public Affairs and Special Events Division Carlo C. Villacorta.
Binuksan ng SSS ang calamity loan program sa mga kwalipikadong miyembro sa lugar na apektado ng tropical cyclones Kristine, Marce, Nika, Ofel, at Pepito.
Ang loan ay ipinagkaloob sa mga miyembro ng SSS na nakatira sa calamity-hit areas na idineklarang nasa ilalim ng state of calamity ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).
Sinabi pa ni Villacorta na ang mga miyembro ay mayroong hanggang Disyembre 21, 2024 para magsumite ng kanilang calamity loan applications sa pamamagitan ng kanilang My.SSS account.
Upang maging kwalipikado para sa calamity loan assistance, ang mga typhoon-affected members ay dapat na:
mayroong 36 monthly contributions, anim mula rito ay naihulog sa loob ng 12 buwan bago pa ang buwan ng paghahain ng aplikasyon
naninirahan sa deklaradong calamity area
hindi pa sumasampa ng 65 taong gulang sa panahon ng loan application
walang ‘final benefit claim’ gaya ng permanent total disability o retirement
walang dating utang sa SSS Short-Term Member Loans
walang outstanding restructured loan o calamity loan