Home METRO Higit P1.4M tobats nasamsam sa Batangas

Higit P1.4M tobats nasamsam sa Batangas

1
0

BATANGAS, Philippines – Isang umano’y malakihang tulak ng droga ang naaresto sa isang buy-bust operation sa Batangas City madaling-araw ng Huwebes, Hulyo 16.

Ayon sa Batangas Police Provincial Office (BPPO), naaresto ang 32-anyos na suspek na kinilala lamang sa alyas na “Ragem” bandang 12:25 a.m. sa Barangay Sta. Clara matapos umanong magbenta ng P1,000 halaga ng shabu sa isang undercover na pulis.

Nasamsam mula sa suspek ang siyam na plastic sachet na naglalaman ng humigit-kumulang 220 gramo ng hinihinalang shabu na may tinatayang halagang P1,496,000, batay sa Dangerous Drugs Board valuation na P6,800 kada gramo.

Kinilala ng pulisya ang suspek bilang isang high-value individual (HVI) sa drug watchlist. Ang HVI ay tumutukoy sa financier, drug trafficker, manufacturer, importer ng iligal na droga, o lider o miyembro ng isang drug group.

Sinabi ni Col. Oliver Ebora, director ng BPPO, na patuloy nilang tinutunton ang pinagmulan ng mga iligal na droga.

Nananatili sa kustodiya ng pulisya ang suspek at haharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here