Home NATIONWIDE Higit P13M shabu nasamsam sa fish port

Higit P13M shabu nasamsam sa fish port

MANILA, Philippines – Nasamsam ng Philippine Coast Guard (PCG) katuwang ang Municipal Police Station (MPS) Luuk ang mga illegal na droga na aabot sa higit P13 milyon sakay ng MV Queenshaima sa Alayon Fish Port sa Barangay Tandu Bato, Luuk, Sulu, ayon sa ulat ng PCG.

Sa report ng PCG, nakatanggap ng tawag ang Coast Guard Station Eastern Sulu (CGSES) mula kay Imbih Usman na siyang naka-duty bilang Barangay Peacekepeing Actioon Team kaugnay sa kahina-hinalang indibidwal sa panahon ng embarkation inspection.

Agad itong pinuntahan ng CGSES at MPS Luuk kung saan narekober ang 21 heat-selaed transparent plastic bags na naglalaman ng white crustalline substance na pinaniniwalaang methamphetamine hydrochloride o shabu na tumitimbang ng 2,000 gramo at may kabuuang halaga na P13.6 milyon.

Narekober din ang mga identification card na pag-aari ni Alwinir Kabran ng Luuk, Sulu at Almunawwal Jamil ng Estino, Sulu.

Dinal ana sa PDEA ang nakumpiskang mga illegal na droga. Jocelyn Tabangcura-Domenden