Home SPORTS Wheelchair thrower Asusano handa na sa debut ng Paralympic Games

Wheelchair thrower Asusano handa na sa debut ng Paralympic Games

PARIS – Nangako si wheelchair thrower Cendy Asusano  na ibibigay niya ang 100 porsiyentong makakaya sa kanyang debut bukas (Sabado) sa  Paralympic Games women’s javelin throw F54 event sa La Stade de France dito.

“Siyempre malaking karangalan na mapili sa Paralympics kaya ibibigay ko po yung 100 percent ko sa labang ito,” ani  Asusano.

“May konti din pong kaba kaya gusto ko maging kundisyon kaya pagdating ng laban ay magiging maganda ang kinalabasan ng performance,” dagdag ng 2023 Cambodia ASEAN Para Games double gold medalist sa kanyang unang pagsabak na suportado ng  Philippine Sports Commission.

Naging kwalipikado si Asusano para sa kanyang unang Paralympic Games sa pamamagitan ng paghagis ng 14.23 metro sa ikaapat na pwesto sa 2023 Hangzhou Asian Para Games.

Si Asusano ay pinahusay na comely thrower na may personal best na a 14.63 meters na naging 4th place sa world para championships sa Kobe, Japan noong Mayo.

“Kung ma-exceed ko yung previous personal best sa Japan at maka-hit ng 15 meters masaya na ako,” ani Asusano.

“Si Cendy ay walang pressure mula sa amin sa kanyang unang Paralympic Games. If she exceeds her previous personal best we will be satisfied,” pahayag ni national para head coach Joel Deriada.

Ang top pick sa event ay si reigning world para athletics champion Nurkhon Kurbanova ng Uzbekistan, ang namuno sa event na may world mark throw na 20.73 meters na nag-relegate sa Paralympic Games defending champion Flora Ugwunwa ng Nigeria sa silver (19.07). Si Elham Salehi ng Iran ay nakakuha ng bronze (16.10).

Inaasahang maglalaban ang  tatlong atleta na ito  para sa podium honors, ngunit asahan na si Asusano ay bababa sa laban bilang huling Pilipinong atleta na sasabak sa 17th Paris Paralympic Games.