MANILA, Philippines- May kabuuang P13,600,000 halaga ng shabu ang nasamsam nitong Biyernes, ng government anti-narcotics authorities sa magkahiwalay na buy-bust operations sa Las Piñas City at Manila, ayon sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).
Sa Las Piñas City, nadakip ng PDEA Regional Office National Capital Region katuwang ang Philippine National Police (PNP) si Ansano Sarif Ampuan kung saang 1.5 kilo ng shabu na nagkakahalaga ng P10,200,000 ang nakumpiska bandang alas-4 ng hapon sa Manila Doctors Village sa Almanza 1.
Bukod sa shabu, nasabat din ng mga awtoridad ang cellular phones, isang sasakyan at identification cards mula kay Ampuan.
Nahaharap si Ampuan sa kasong paglabag sa Sections 5 (sale, trading, distribution of illegal drugs) at 11 (possession of dangerous drugs), Article II of Republic Act (RA) 9165 kilala rin bilang “The Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.’’
Sa Manila ng alas-2:55 ng hapon ng parehong araw, nasamsam ng PDEA Region IV-A Special Enforcement Team 1, PDEA RO-NCR Southern District Office at PNP SDEU Ermita Police Station ang P3.4 milyong shabu kasunod ng pagkakahuli kay Baiton Raguiamoda, tinukoy na high-value target (HVT) sa entrapment operation sa Barangay 669, in Malate.
Narekober ng PDEA at PNP team ang buy-bust money at higit-kumulang 500 gramo ng shabu mula kay Raguiamoda sa nasabing operasyon.
“The suspect (Raguiamoda) will be facing charges for violation of Republic Act No 9165 also known as The Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002,’’ anang PDEA. RNT/SA