GENERAL SANTOS CITY- Sugatan sa pamamaril ang isang kandidato sa pagka-gobernador sa Sarangani para sa susunod na taon sa lugar na ito nitong Sabado.
Kinilala ni Police Col. Nicomedes Olaivar, city police director, ang biktima na si lawyer-businessman Gladden Lim, 48.
Ani Olaivar, binaril ang biktima ng isang gunman na nakasakay sa motorsiklo nang pababa ito ng kanyang sasakyan sa isang compound ng simbahan sa Dacera Ave., Barangay City Heights ng alas-6 ng hapon.
Nagtamo ang biktima ng dalawang tama ng bala sa tiyan mula sa isang .45 caliber pistol.
Dinala siya sa pinakamalapit na ospital.
Sinisilip naman ng mga pulis ang away sa lupa bilang motibo sa insidente. RNT/SA