MANILA, Philippines- Tinatayang nasa higit P19 milyong halaga ng mga hinihinalang smuggled na vape products ang nasamsam ng mga tauhan ng Bureau of Customs (BOC) sa isinagawang magkahiwalay na operasyon sa mga bodega sa Maynila at Laguna.
Ayon sa BOC, nasa P6.475 milyong halaga ng mga ismagel na vape device, vape pods, at mga disposable na vapes na may tatak na Relx at Top Fog ang nakumpiska sa bodega sa Quiapo, Maynila kung saan kasama dito ang P75 milyon halaga ng mga ismagel na mga poyesa at accessories ng mga motorsiklo.
Nasamsam din ng mga tauhan ng BOC ang humigit-kumulang P12.6 milyong halaga ng mga smuggled na disposable vapes na may tatak na Flava, King’s Evo, Grio, at Milan sa warehouse sa San Pedro City, Laguna.
Maaaring makasuhan ang mga may-ari ng bodega at tindahan dahil sa paglabag sa Customs Modernization and Tariff Act (CMTA).
Maaari drg harapin ng mga may-ari ang mga kaso na may kaugnayan sa Intellectual Property Code of the Philippines, Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN), at isang resolusyon ng National Tobacco Administration sa kalakalan ng leaf tobacco at mga produktong tabako. JAY Reyes