Home METRO Higit P26M ‘tobats’ nabuking sa abandonadong parcel sa NAIA

Higit P26M ‘tobats’ nabuking sa abandonadong parcel sa NAIA

169
0

MANILA, Philippines – Kinumpiska matapos madiskubre ng mga tauhan ng NAIA Inter-Agency Drugs Interdiction Task Group (IADITG) ang isang abandonadong parcel na naglalaman ng mahigit P26,000,000 halaga ng shabu nitong Miyerkules ng hapon, Marso 4.

Sa inisyal na report ng IADITG, nadiskubre ang abandonadong parcel na naglalaman ng ilegal na droga bandang alas-2:00 ng hapon sa Pairpags Center, NAIA Complex, Pasay City.

Ayon sa mga operatiba ng IADITG, ang naturang inbound parcel na idineklarang hotdog roller machine ay may airwaybill number 167-1000 4326 na ipinadala ng isang Mwangonde ng 126 Hannover Street, Blantyre, Malawi, na naka-consign sa isang nagngangalang Ronnie Delo Santos Gomes ng H 176 1607 Suarez Alley, Dr. Sixto Antonio Avenue, Pasig, Metro Manila.

Nakapaloob sa hotdog roller machine na may tatak na ANUIL ang apat na heat-sealed transparent plastic bags na nakabalot ng aluminum foil na naglalaman ng 3,962 gramo o halos apat na kilo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P26,941,600.

Ang mga nakumpiskang ebidensya ay dinala sa PDEA Laboratory Service upang isailalim sa laboratory examination.

Nahaharap sa kasong paglabag sa Section 4, Article II ng RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang mga nabanggit na indibidwal na nasangkot sa pagkakadiskubre ng ilegal na droga.

Ang NAIA-IADITG ay binubuo ng mga ahensya na pinangunahan ng PDEA RO-NCR; Bureau of Customs – Customs Anti-Illegal Drugs Task Force (BOC-CAIDTF); PNP Aviation Security Group (AVSEG); Airport Police Department (APD); PNP Drug Enforcement Group (DEG); National Bureau of Investigation (NBI); at Bureau of Immigration (BI).

(James I. Catapusan)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here