Home NATIONWIDE Atty. Baligod, 18 ex-marines, iba pa kinasuhan ni Trillanes sa ‘ICC bribery...

Atty. Baligod, 18 ex-marines, iba pa kinasuhan ni Trillanes sa ‘ICC bribery issue’

162
0

MANILA, Philippines – Nagsampa ng mga kasong kriminal si dating Senador Antonio Trillanes IV sa Department of Justice (DOJ) laban sa ilang personalidad kasama ang 18 dating sundalo kaugnay ng umano’y gawa-gawang International Criminal Court (ICC) bribery scheme.

Kabilang sa kinasuhan sina Atty. Levito Baligod, dating Kongresista Mike Defensor, broadcaster Jay Sonza, dating NTF-ELCAC spokesperson Lorraine Badoy, at vlogger Cathy Binag.

Ayon kay Trillanes, bahagi umano ito ng planong idawit siya sa isang pekeng bribery scandal na kinasasangkutan ng mga imbestigador ng ICC.

Kabilang sa mga kasong inihain laban kay Atty. Levito Baligod ang cyberlibel at paglabag sa batas na Incriminating an Innocent Person dahil sa umano’y magkasalungat at mapanirang pahayag kaugnay ng sinasabing dalawang milyong dolyar na cash transfer at akusasyon ng kidnapping.

Giit ni Trillanes, wala siyang tinanggap na anumang halaga mula kay Zaldy Co para sa mga tauhan ng ICC o para sa anumang layunin.

Binigyang-diin din ni Trillanes na ang alegasyon ay isang desperadong “distraction tactic.”

Samantala, sina dating Kongresista Mike Defensor, broadcaster Jay Sonza, dating NTF-ELCAC spokesperson Lorraine Badoy at vlogger Cathy Binag ay kinasuhan din dahil sa umano’y papel sa pagpapalaganap ng naturang mga alegasyon.

Nahaharap naman sa kasong perjury ang labingwalong indibidwal na tinukoy na “ex-Marines” dahil sa umano’y pagbibigay ng maling testimonya kaugnay ng isyu.

Iginiit ng dating senador na layunin ng mga alegasyon na sirain ang kanyang reputasyon at pahinain ang mga proseso kaugnay ng imbestigasyon ng ICC. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here