Home NATIONWIDE Higit P300B kinalos sa panukalang budget ng DA

Higit P300B kinalos sa panukalang budget ng DA

Ang Department of Budget and Management (DBM) ay nagbigay lamang ng P200 bilyon mula sa P513 bilyong hiniling na badyet ng Department of Agriculture (DA) para sa 2025, sinabi ni Agriculture Secretary Francisco Tiu-Laurel Jr.

“It is unfortunate na ‘yung request natin na P500 billion ay naging P200 billion. I guess, it all boils down sa kung ano ang kaya ng ating gobyerno na i-provide,” ani Tiu-Laurel budget deliberations ng DA sa House Appropriations panel.

“But of course, manghihingi pa kami ng kaunting dagdag sa [bicameral conference], before the end of the year,” dagdag pa ng DA chief.

Para sa 2024, nakakuha ang DA ng P213 bilyon batay sa General Appropriations Act.

Pinuna ni Agri party-list Representative Wilbert Lee ang pagbawas sa badyet, at sinabing hindi ito alinsunod sa panata ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na unahin ang sektor ng agrikultura.

“Seryoso ba tayo dito? Paano natin ibababa ang presyo ng mga bilihin, mga bilihin kung hindi tayo maglalaan ng sapat na pondo para sa sektor ng agrikultura? Nais din nating madagdagan ang ating produksyon ng pagkain, ngunit nabawasan ang badyet. Para tayong naglolokohan lang. Dapat ibigay yung ni-request ng ahensya, at gastusin nang tama,” ani Lee. RNT