Home NATIONWIDE Higit P400K illegal na droga nasamsam ng QCPD sa magkahiwalay na operasyon

Higit P400K illegal na droga nasamsam ng QCPD sa magkahiwalay na operasyon

171
0

MANILA, Philippines – Mahigit P400,000 halaga ng iligal na droga ang nakumpiska ng mga tauhan ng Quezon City Police District (QCPD) sa dalawang magkahiwalay na buy-bust operation na isinagawa ng mga otoridad sa pangunguna ni PBGEN Randy Glenn Silvio QCPD District Director noong Pebrero 16, 2026 na nagresulta ng pagkakaaresto sa apat na suspek.

Ayon sa ulat ang unang operasyon ay isinagawa ng District Drug Enforcement Unit (DDEU) sa pamumuno ni PMAJ ELVIN BALLESTEROS, kung saan nakilala ang suspek na si alyas “Marlo,” 24 anyos, at residente ng Gajudo Compound, Brgy. Apolonio Samson, Quezon City.

Nabatid sa ulat na dakong alas-8:30 ng gabi, nagsagawa ng buy-bust operation ang DDEU matapos makatanggap ng impormasyon mula sa isang confidential informant kaugnay ng aktibidad ng ilegal na droga ng suspek.

Isang pulis ang nagsilbing poseur-buyer at nakabili ng iligal na droga na nagkakahalaga ng P17,500.00 mula sa suspek. Kaagad pagkatapos ng transaksyon, at sa isang pre-arranged signal, naaresto ang suspek.

Nakumpiska sa kanyang possession ang 41.12 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P279,616.00, isang (1) unit na puting Mio Sporty na motorsiklo na walang plate number, at ang marked buy-bust money.

Kaugnay nito sa hiwalay na operasyon, nagsagawa rin ng buy-bust operation ang Batasan Police Station 6, sa ilalim ni PLTCOL ALJUN BELISTA na nauwi sa pagkakaaresto sa tatlong suspek na kinilalang sina alyas “Mary Jane,” 30 anyos, alyas “Jomar,” 33 anyos, at alyas “Elmer,” 26 anyos na pawang mga residente ng Brgy. Commonwealth, Quezon City.

Isinagawa ang operasyon dakong 11:55 ng gabi sa kahabaan ng Samsung St., Doña Nicasia, Barangay Commonwealth, Quezon City, na nagresulta sa pagkakaaresto sa mga suspek at nakumpiska ang 20 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P136,000.00, isang cellular phone, at ang marked buy-bust money.

Kakasuhan ang mga suspek ng paglabag sa R.A. 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Patuloy ang QCPD sa mas pinaigting na kampanya laban sa ilegal na droga upang matiyak ang kaligtasan ng bawat komunidad at mapanatili ang kapayapaan sa Lungsod Quezon. Hindi kami titigil sa pagpapatupad ng batas laban sa mga ilegal na droga para sa isang mas ligtas sa lungsod,” ani PBGEN SILVIO. Santi Celario

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here