Home NATIONWIDE PBBM Programs patatatagin, suportado ng Kamara

PBBM Programs patatatagin, suportado ng Kamara

183
0

MANILA, Philippines – Suportado ng liderato ng Malaking Kapulungan ng Kongreso ang programang PBBM kabilang ang pabahay, patubig, at proyekto para sa mababang halaga ng kuryente o enerhiya na inilatag para sa mga Pilipino.

Sa ilalim ng liderato nina House Speaker Faustino “Bojie” G. Dy III at House Majority Leader Ferdinand Alexander “Sandro” A. Marcos ng Ilocos Norte ay isusulong nilang maipasa ang mga panukalang nauukol sa abot-kaya ng mamamayan at malawakang access katulad ng libreng kuryente sa mga pamilyang mababa ang konsumo sa pamamagitan ng direktang subsidiya ng gobyerno.

“Ang pabahay, kuryente at tubig ay napakahalaga — ito ang pundasyon ng disenteng pamumuhay at matatag na ekonomiya. Bilang mga lider ng Kamara, sinusuportahan namin si Pangulong Marcos sa mga programang lumilikha ng trabaho, nagpapababa sa gastos ng pamilya, at nagpapalakas ng probinsya. Kasabay nito, titiyakin naming bawat piso ay napupunta sa tama at may malinaw na pananagutan,” ayon sa Young Guns sa Kamara na kinabibilangan nina House Committee on Suffrage and Electoral Reforms Chairman Zia Alonto Adiong ng Lanao del Sur, at Deputy Speakers Paolo Ortega V ng La Union at Jay Khonghun ng Zambales

Ayon pa rin sa mga nabanggit na mambabatas sisiguraduhin nilang maipapasa ang legislative agenda ng Pangulong Marcos lalo na sa aspeto ng pabahay, tubig at kuryente.

“Housing, water security and affordable electricity are nation-building priorities. The House will make sure our legislative output strengthens these programs and protects their long-term impact. Through the Common Legislative Agenda (CLA) of LEDAC (Legislative Executive Development Advisory Council), we synchronize reforms, remove policy bottlenecks, and pass measures that give lasting support to the administration’s projects.”

Ayon kay Adiong suportado ng mga mambabatas ang House Bill (HB) No. 2700, o “Free Electricity for Low-Consumption Households Act,” na pangunahing inakda ng nakababatang Marcos.

“Kung may sapat na tubig ang bukid, mas abot-kaya ang pagkain sa hapag ng bawat Pilipino,” ani Adiong kung saan binanggit nito ang inagurasyon sa naipaayos na Mahayag Dam sa Zamboanga del Sur at ang solar-powered pump irrigation projects (SPIPs) sa Zamboanga Peninsula (Region IX).

Sa panig naman ni Ortega ay iginiit nito ang kahalagahan ng pabahay na maaaring tirhan ng mga Pilipino na hanggang ngayon ay wala pa ring maituring na sariling bahay.

“Ang pabahay ay hindi gastos — ito ay investment sa trabaho, sa ekonomiya, at sa dignidad ng bawat pamilya.” Meliza Maluntag

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here