Home METRO Higit P4M tobats nasabat sa buy-bust

Higit P4M tobats nasabat sa buy-bust

LEGAZPI CITY- Narekober ng mga awtoridad ang P4,080,000 halaga ng shabu (crystal meth) sa isang buy-bust operation sa Naga City sa Camarines Sur nitong Martes ng gabi.

Sinabi ng Naga City police sa ulat na ang suspek na kinilalang si “Jake,” 42, ay nagbenta ng sachet ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P100,000 sa isang undercover agent sa Barangay Concepcion Pequeña dakong alas-8:15 ng gabi.

Sa body search, nasamsam din ng mga awtoridad ang 10 piraso ng plastic ziplock at talo pang maliliit na sachet na naglalaman ng parehong ilegal na droga.

May kabuuang 600 gramo ng shabu ang nakumpiska mula sa suspek, na nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. RNT/SA