Home NATIONWIDE Higit P522M illegal na droga nasamsam, 4,700 tiklo sa Central Visayas

Higit P522M illegal na droga nasamsam, 4,700 tiklo sa Central Visayas

1031
0

MANILA, Philippines – Mahigit P522 milyong halaga ng illegal na droga ang nakumpiska at naaresto naman ang 4,733 indibidwal sa Central Visayas mula Enero hanggang Hunyo ngayong taon.

Resulta ito ng 4,101 operasyon sa rehiyon, sinabi ng Police Regional Office 7 (PRO 7) nitong Huwebes, Hulyo 3.

Ayon sa PRO 7, nakumpiska ng pulisya ang 76.12 kilo ng shabu na nagkakahalaga ng P517.61 milyon; pinatuyong marijuana leaves at plants na nagkakahalaga ng P3.03 milyon’ 250 gramo ng cocaine na nagkakahalaga ng P1.32 milyon; at 60 tablet ng ecstacy na nagkakahalaga ng P102,000.

Sa 4,733 na naaresto, tinukoy ng PRO 7 ang 238 sa mga ito bilang “high-value individuals,” 2,522 bilang “street-level targets,” at 1,963 bilang “newly-identified drug personalities.”

“PRO 7 vowed to… further [strengthen] coordination with national government agencies, local government units, barangay officials and civil society groups to intensify prevention, enforcement and rehabilitation efforts across the region.” RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here