Home METRO Higit P600K tobats nasabat sa Rizal

Higit P600K tobats nasabat sa Rizal

80
0

RIZAL, Philippines – Nasamsam ng mga awtoridad ang humigit-kumulang 100 gramo ng hinihinalang shabu na may halagang ₱680,000 sa isang anti-illegal drug operation sa Angono nitong Abril 21, 2026.

Isinagawa ang buy-bust operation bandang 6:45 ng umaga sa Barangay San Isidro ng pinagsanib na pwersa ng Philippine Drug Enforcement Agency Rizal Provincial Office at Philippine National Police Regional Intelligence Unit 4A.

Naaresto ang isang suspek na may alyas “Abex,” 32 taong gulang at residente ng naturang barangay.

Bukod sa droga, narekober din ng mga awtoridad ang buy-bust money at iba pang ebidensya.

Kakasuhan ang suspek ng paglabag sa Section 5 ng Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 dahil sa umano’y pagbebenta ng ilegal na droga.

Ayon kay PDEA Region 4A Director Ronald Allan DG Ricardo, patuloy nilang paiigtingin ang operasyon laban sa illegal drugs upang protektahan ang mga komunidad at wasakin ang mga drug network.

Patuloy pa ang imbestigasyon upang matukoy ang mga kasabwat at lawak ng operasyon ng suspek. DANNY QUERUBIN

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here